P20 milyong ayuda ipinamigay sa 2,000 pamilya na nasalanta ng Bagyong Odette

By Chona Yu November 18, 2022 - 04:54 PM

 

Aabot sa P20 milyong ayuda ang ipinamahagi ng National Housing Authority sa 2,000 pamilya na nasiraan ng tahanan dahil sa Bagyong Odette na tumama noong Disyembre 2021.

Ayon kay NHA General manager Joeben Tai, tig P10,000 ang natanggap ng bawat pamilya.

Sa naturang  bilang, 1,000 pamilya sa Lapu-lapu City ang nabigyan ng tulong. Nasa 559 pamilya ang nabigyan ng tulong sa Carcar City at 441 na pamilya sa Naga City.

Nabatid na ang ipinamigay na ayuda ay galing sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng NHA.

Sa ilalim ng programa, binibigyan ng cash assistance ang mga nasa low-income at marginalized families na naapektuhan ng kalamidad.

“Gusto lang nating masabi sa ating mga kababayan na marami pong pangako ang NHA sa mga natamaan ng mga kalamidad dati; iisa-isahin po namin kayo. ‘Di po namin kayo nakakalimutan. Babalikan po namin kayo upang maibigay ang EHAP,” pahayag ni Tai.

 

 

 

TAGS: ayuda, cebu, news, NHA, Pabahay, Radyo Inquirer, ayuda, cebu, news, NHA, Pabahay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.