Tutok to Win Rep. Sam Verzosa, Rhian Ramos, ex-PBA players nagbigay ng mga regalo sa batang cancer patients

Naghatid kasiyahan si Tutok to Win Partylist Representative Sam ‘Batang Sampaloc’ Verzosa sa mga batang may cancer sa National Children’s Hospital sa Quezon City. Nagbigay ng tulong-pinansiyal si Verzosa sa mga batang pasyente, bukod pa sa mga regalong laruan at grocery packs sa kanilang pamilya. Kasama ng mambabatas ang aktres na si Rhian Ramos; dating professional basketball players Marc Pingris, Jayjay Helterbrand at Rico Maierhofer, pawang miyembro ng PBA Motoclub at mga kinatawan ng MAV’s Phenomenal Basketball. Ang tulong pinansiyal ay pambayad sa ospital o pandagdag sa pambayad sa pagpapagamot ng mga bata.


Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.