Nationwide launching ng Kadiwa ng Pasko project, ikakasa bukas
Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nationwide launching ng Kadiwa ng Pasko project.
Layunin ng proyekto na itaguyod ang local agricultural producers na mailako ang kanilang produkto sa ibat ibang merkado sa abot kayang halaga.
Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, personal na pupuntahan ng Pangulo ang Kadiwa stalls sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyng City, bukas.
Labing apat na Kadiwa stalls ang sabay-sabay na bubuksan bukas.
Sa naturang bilang, 11 stalls ang nasa National Capital Region, isa sa Tacloban City, isa sa Davao de Oro at isa saa Koronadal City sa South Cotabato.
Binuo ang Kadiwa ng Pasko project para tugunan ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Sa ganitong paraan, mabibigyan ng pagkakataon ang mga mamimili na makabili ng pagkain na mataas ang kwalidad sa murang halaga lamang lalo na ngayong nalalapit na ang panahon ng Pasko.
Layunin din ng proyekto na matulungan ang mga magsasaka at mga mangingisda pati na ang mga maliliit na negosyante.
Kabilang sa mga support agencies sa proyekto ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Labor and Employment (DOLE).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.