Bagong BIR commissioner itinalaga ni Pangulong Marcos
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Attorney Romeo Lumagui Jr. bilang commissioner ng Bureau of Internal Revenue.
Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, nanumpa na sa tungkulin si Lumagui kahapon, Nobyembre 15.
Isang tax lawyer si Lumagui.
Papalitan ni Lumagui si dating BIR commissioner Lilia Guillermo na itinalaga ng Pangulo noong buwan ng Hulyo lamang.
Bago naitalagang commissioner, nagsilbi si Lumagui bilang deputy commissioner ng BIR.
Nagsilbi rin si Lumagui bilang technical assistant to the commissioner, naging tax fraud head ng BIR Region 6, Manila, BIR Region 4, Pampanga at BIR Region 7 pati na sa East National Capital Region.
Naitalaga rin si Lumagui sa project management and implementation service na nag-implementa ng overall reform o modernization program sa BIR.
Pinamunuan din ni Lumagi ang ilang task forces para mapalakas ang koleksyon ng BIR gaya halimbawa ng Assets Recovery Task Force kung saan nakakolekta ng P833.69 milyon, Task Force on Direct Selling/Multi-Level Marketing and Investment Scams na nakakolekta ng P792.56 milyon sa loob lamang ng isang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.