Pag-apruba sa Senado ng P2.3B 2023 budget ng OVP, pagpapakita ng tiwala – VP Sara
Patunay na may kumpiyansa ang tiwala sa Office of the Vice President kayat inaprubahan sa Senadi ang P2.3 bilyon pondo para sa susunod na taon.
Ito ang sinabi ni Vice President Sara Duterte at kasama na sa halaga ang P500 million confidential fund na inilaan sa kanyang tanggapan.
“:My deepest gratitude to the members of the Philippine Senate for approving the proposed budget of the Office of the Vice President,” ani Duterte sa inilabas na pahayag ng kanyang tanggapan.
Sa mabilis na pag-apruba ng pondo ng OVP, sinabi ni Durterte, na pinagtibay pa nito ang determinasyon ng kanyang tanggapan na tiyakin ang pagbibigay serbisyo sa mamamayan sa pamamagitan ng kanilang mga proyekto at programa.
Umaasa din siya na sa pamamagitan ng OVP ay makakapagbigay sila ng solusyon sa mga problema ng mga Filipino sa lahat ng dako ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.