Pacquiao, pinakamayaman pa ring mambabatas ng 16th Congress
Hindi natinag sa number 1 spot si outgoing Saranggani Rep. Manny Pacquiao bilang pinakamayang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, sa huling bahagi ng 16th Congress.
Batay sa inilabas na summary report ng Kamara para sa annual Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALNs ng mga kongresista na inihain bago ang April 30, 2016 deadline, “richest congressman” pa rin si Senator-elect Pacquiao na mayroong networth na P3,268,200,088.00.
Pangalawa naman sa listahan si Negros Occidental Rep. Jules Ledesma na mayroong networth P1,004,951,831.92.
Pangatlo si House Speaker Feliciano Belmonte Jr sa networth na P941,648,636.42; habang pang-apat si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na may P917,800,000.00
Nasa panglimang pwesto si Negros Occidental Rep. Albee Benitez sa networth na P880,017,206.
Pang-anim at pang-pito sa listahan ang mag-asawang sina Reps. Emmeline Aglipay at Mark Villar na may joint filling networth na P689,535,772.00.
Pangwalo si Leyte Rep. Martin Romualdez na mayroong netwotrh na P475,619,805.59; samantalang pang-siyam si Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa networth na P393,915,603.71.
Pang-sampu sa listahan si Rizal Rep. Joel Roy Duavit sa netwoth na P302,624,883.79.
Samantala, kung nanatili si Pacquiao bilang pinakamayamang House member sa 16th Congress, nanatili ring pinakamahirap na Kongresista si Anakpawis Party-list Rep. Fernando Hicap na mayroon lamang P43,239.14 na networth.
Ang mga Kongresista na nanumpa sa Kamara matapos ang April 30, 2016 deadline ng SALN ay hindi kasama sa report.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.