Bantag susuko kapag nag-resign na si Justice Sec. Boying Remulla
Nanindigan si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag na hindi siya susuko hanggang si nasa puwesto si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ito aniya kahit magpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya bagamay nilinaw niya na haharapin niya ang dalawang kaso ng murder na isinampa laban sa kanya.
Ang mga kaso ay kaugnay sa pagdawit sa kanya sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at bilanggo na si Jun Villamor.
“Definitely haharapin ko ito kasama ng aking mga supporters pero kung hindi tumalima si Boying, si SOJ na mag-step down ay hindi ako susuko kung warrant ako,” aniya.
Dagdag pa niya; ” Bakit ako susuko eh di niluto na naman ako, pero pag wala si Boying, ‘yun puwede na akong sumuko.”
Naniniwala si Bantag na nanganganib siya hanggang si Remulla ang namumuno sa DOJ.
Nauna na rin niyang iginiit na inosente siya sa mga alegasyon at sinabi na ang kalihim ang talagang utak sa pagpatay.
Sinabi din ni Bantag na ginamit ang kaso para mapaalis siya sa puwesto at may mga sindikato din sa pambansang piitan na galit sa kanya at gagawin ng mga ito ang lahat para siya ay matanggal sa posisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.