Myanmar nais nang tanggalin sa Asean

By Chona Yu November 14, 2022 - 09:43 AM

 

Nais ng ilang lider ng mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations na tanggalin na bilang miyembro ng regional bloc ang Myanmar.

Ayon sa Pangulo, nababahala na kasi ang ilang lider sa peace situation sa Myanmar.

“Pretty much everybody mentioned the same thing because — again, that’s what I said, maraming commonalities, that’s the concern. The main — actually ang main worry ng marami sa mga leaders is Myanmar. That the Five Point that they had agreed with ASEAN — that Myanmar had agreed with ASEAN, eh hindi nasusunod. Anong gagawin natin?” pahayag ng Pangulo.

“And that was a little contentious. Kasi may mga bansa, sabi nila, basta tanggalin na natin ang Myanmar sa ASEAN. O basta’t huwag nating imbitahin at all. Mayroon naman nagsasabi na hindi huwag lang ‘yung mga nasa taas, pero ‘yung sa ilalim kailangan pa rin natin kausapin ‘yan. Meron naman, tayo ‘yun.

Pero ayon sa Pangulo, bago gawin ang naturang desisyon, mas makabubuting kausapin muna ang Myanmar.

“Sinabi ko, kausapin natin lahat. Kausapin mo pati ‘yung nasa position, pati ‘yung nasa nakaupo, pati ‘yung naka — kahit naman sino na interesado dapat kausapin natin o pag-usapin natin. So that was — all of us came down on different — slightly different positions along the entire spectrum of completely kicking out Myanmar from ASEAN and for engaging them fully. Nobody wanted to engage the generals. Nobody wanted to engage the high-level officials. But there are certain — iba-ibang level of engagement ang kanilang ina-ano, ang kanilang sinasabi,” dagdag ng Pangulo.

Taong 2021 nang magkaroon ng military junta sa Myanmar.

 

TAGS: Asean, Ferdinand Marcos Jr., myanmar, news, Radyo Inquirer, Asean, Ferdinand Marcos Jr., myanmar, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.