Sen. Bong Revilla binisita ang mga nasirang flood control project sa Mindanao
Personal na sinuri ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., ang napinsalang floodway sa Barangay Sta. Maria, Zamboanga City.
Ang naturang flood control project ay kabilang sa mga napinsala sa pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa kamakailan.
Ipinaliwanag nina Rep. Khymer Olaso at Mayor John Dalipe kay Revilla ang matinding epekto ng pagkawasak ng naturang istraktura sa mga residente.
Sinabi ni Revilla na binisita niya ang imprastraktura bilang namumuno sa Senate Committee on Public Works para makakilos sa mabilis na pagsasa-ayos nito.
Kasabay nito, namahagi din ng relief packs ang senador sa libo-libong residente ng lungsod na labis na naapektuhan ng kalamidad.
Marami pa rin sa kanila ang nananatili sa mga evacuation centers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.