Mga hindi nabilang na nasawi sa Bagyong Yolanda, hindi dapat na kalimutan ayon kay Pangulong Marcos
Naging emosyonal si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paggunita sa ika-siyam na anibersaryo ng Bagyong Yolanda na tumama sa Leyte.
Pinangunahan ng Pangulo ang programang “Pagdumdum” o pag alala sa mga nasawi sa bagyo.
Hanggang ngayon, masama pa rin kasi ang loob ng Pangulo na itinigil na noong nakaraang administrasyon ang pagbibilang sa mga nasawi.
Hindi kasi kumbinsido ang Pangulo na nasa 6,000 lamang ang nasawi dahil sa bagyo.
Katunayan, hanggang ngayon, marami pa sa mga pamilya sa Leyte ang nangungulila dahil hindi na nahanap ang bangkay ng kanilang mga nasawing mga kaanak.
“It is sometimes asked when we do have a commemoration of this kind, they say, “Why do we commemorate Yolanda still after nine years?” The people — those whose families had a loss from their families of a loved one, have learned to live with that grief. And although we continue to feel sad, life has gone on for them. So why continue? Why bring it up? I come here because I must commemorate the uncounted dead that up to now we do not know how many that number is. We must come to these commemorations so that we will remember those who we were told not to remember. If you remember during the count of the casualties, the count was stopped. And we knew that there were still thousands out there. And for those thousands, those countless thousands, we come here, we commemorate,” pahayag ng Pangulo.
Kapag kasi aniya itinigil na ang pagbibilang ng mga nasawi, mamatay na rin ang kanilang alaala.
“Because if we no longer commemorate, their memory dies. And it is only up to us to keep that memory alive. Because as I said, in a way, we were told to forget about them. And we will not forget about them. And we cannot forget about them. And I know you do not forget about them. That is why we continue to commemorate Yolanda and we continue to grieve our dead. Because we not only grieve the dead that are here, but we also grieve for those who we do not even know how many they are, who they are, and where they are,” pahayag ng Pangulo.
Nag-alay ng bulaklak ang Pangulo sa Holy Cross Memorial Garden sa Tacloban City kung saan inilibing ang mga nasawi sa bagyo.
Si dating Pangulong Benigno Aquino III ang pangulo nang tumama ang Bagyong Yolanda noong 2013.
Nabatikos ng husto noon si Aquino nang ipatigil ang pagbibilang sa mga nasawi.
Sa opisyal na talaan, nasa 6,300 lamang ang nasawi, bagay na pinapalagan ng mga residente.
Ayon sa Pangulo, huli na kung itutuloy pa ngayon ang pagbibilang sa mga nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.