Pagbuo sa IRR ng SIM Registration Law simulan sa malawakang konsultasyon – Poe

By Jan Escosio November 08, 2022 - 11:17 AM

 

Dapat tiyakin ang malawakang konsultasyon sa mga stakeholder sa pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, ayon kay Senator Grace Poe.

“Hihintayin natin ang isang IRR na kakatawan sa diwa ng batas para mabigyan ang mamamayan ng depensa sa paglaban sa text scam at misinformation,” sabi ni Poe, sponsor ng batas sa Senado.

Ayon sa isang noncommissioned nationwide Social Weather Station survey na isinagawa mula Sept. 29 hanggang Oct. 2, mayorya ng mga Pilipino ay pabor sa SIM Registration Act.

“The rules will get the ball rolling on our aim to provide a secure and safe mobile phone use in the country while protecting the right to privacy,” diin ni Poe.

May 60 araw ang gobyerno para bumuo ng IRR mula sa pagiging epektibo ng batas noong Oct. 28.

Isinasaad sa Section 12 ng SIM Registration Act na ang National Telecommunications Commission, kasama ang Department of Information and Communications Technology (DICT), National Privacy Commission, telcos at pangunahing major consumer groups, ang babalangkas ng IRR.

Ang pagpaparehistro ng SIM ay maaaring gawin electronically sa pamamagitan ng isang platform o website na itatalaga ng telco at ito ay libre, sabi pa ng senadora

Ang SIM Registration Act ang unang batas na nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr.

TAGS: grace poe, news, Radyo Inquirer, SIM card, grace poe, news, Radyo Inquirer, SIM card

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.