P206.5B ayuda binabalak ibigay ng Marcos Jr.-admin sa 2023

By Jan Escosio November 07, 2022 - 06:09 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Inanunsiyo ng Malakanyang ang balak ng kasalukuyang administrasyon na magbigay ng P206.5 bilyong halaga ng mga ayuda sa mga mahihirap na Filipino sa susunod na taon.

Ayon kay Press Usec. Cheloy Garafil base ito sa datos mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Aniya ang alokasyon ay para sa cash transfers at iba pang uri ng subsidy programs ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno.

Malaking bahagi o tinatayang P165.40 bilyon ang mapupunta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagkasang ibat-ibang social assistance programs.

Samantala, 22.39 bilyon ang inilaan sa Medical Assistance to Indigent and Financially-Incapacipated Patients (MAIFIP) ng Department of Health (DOH).

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay napaglaanan ng P14.9 bilyon para pangtulong sa mga manggagawa, samantalang P2.5 bilyon naman sa sektor ng pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng Department of Transportation (DOTr).

May nailaan din na P1 bilyon para  sa fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA).

Bukod pa dito, may P115.6 bilyon para  sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps); P25.3 bilyon para sa social pension ng mga mahihirap na senior citizens, P19.9 bilyon para naman sa Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circimstances at P4.4 bilyon para sa Sustainable Livelihood Program.

 

 

 

 

TAGS: mahihirap, pamilya, Pilipino, subsidy, mahihirap, pamilya, Pilipino, subsidy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.