156 katao patay sa Bagyong Paeng; P4.3 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira
Umakyat na sa 156 ang bilang ng nasawi dahil sa Bagyong Paeng.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa naturang bilang, 121 ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyo habang ang 35 ay sumasailalim pa sa validation.
Naitala ang mga nasawi sa Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol region, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Cordillera Administrative Region at Metro Manila.
Umabot naman sa 4.6 milyong katao o 1.2 milyong pamilya ang naapektuhan ng bagyo.
Pumalo na saa P4.3 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.