Inter-agency coordination tuwing may kalamidad, napakahalaga – Sen. Bong Go

By Jan Escosio November 04, 2022 - 03:37 PM

 

Sa lawak ng pinsala na idinulot ng bagyong Paeng, muling iginiit ni Senator Christopher Go ang kahalagahan ng pagbuo ng Department of Disaster Resilience (DDR).

Sinabi ito ng senador matapos ang pamamahagi niya ng relief goods sa mga biktima ng nagdaang bagyo sa Zamboanga City.

Aniya inihain niya ang Senate Bill 188 para sa pagbuo ng DDR at katuwiran niya bagamat gumagana naman ang kasalukuyang mekanismo kailangan na pagbutihin pa ang mga ito.

Diin ni Go, kailangan ang mekanismo ay mas mabilis na nakakatugon sa pangangailangan ng mamamayan sa paglipas ng panahon.

Nabanggit nito na isa sa nakikita niyang dapat pang pagbutihin ay ang inter-agency coordination.

“Ito ang dahilan kung matagal ko nang inirerekomenda at paulit-ulit ku nang sinasabi na dapat magkaroon ng isang departamento na may secretary level na in-charge para mayroon timon na tagapamahala ng preparedness, response and resilience measures,” sabi pa ni Go.

Bukod dito, isinusulong din ng senador ang pagsasabatas sa kanyang panukala na ang layon ay magkaroon ng permanenteng evacuation center sa bawat lalawigan, lungsod at bayan sa bansa.

TAGS: bong go, news, Radyo Inquirer, bong go, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.