Libreng Sakay Program para sa mga estudyante sa LRT tapos na bukas
Dalawang araw bago ang 100 percent full implementation ng in-person classes ang pagtatapos ng libreng sakay sa Light Rail Transit (LRT) ng mga estudyante.
Ayon kay LRT Authority Administrator Hernando Cabrera, umabot sa 1,527,219 estudyante ang libreng nakasakay sa LRT Line 2, mula Recto Avenue hanggang Santolan.
Nabanggit din nito na 58 araw matapos simulant ang programa noong Agosto 22, isang milyong estudyante na ang nabenipisyuhan ng programa.
Ngunit dagdag pa ni Cabrera patuloy naman silang magbibigay ng 20 porsiyentong diskuwento sa mga estudyante na sasakay sa LRT Line 2.
Kailangan lang aniya na ipakita ng estudyante ang kanyang school ID o enrollment form sa ticket booth sa mga istasyon para sa kanilang diskuwento sa pasahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.