6 sa bawat 10 Filipino pabor sa SIM Registration Law
Halos 60 porsiyento ng mga Filipino ang sumusuporta sa bagong SIM Registration Act, base sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey.
May 66 porsiyento naman ang naniniwala na makakatulong ang bagong batas para malabanan ang mga krimen na isinasagawa sa pamamagitan ng cellular phones.
Sa 1,500 na sumagot sa survey, 17 porsiyento naman ang tutol sa naturang batas, samantalang 23 porsiyento ang ‘undecided.’
Tiwala din ang 48 porsiyento ng sumagot ng survey na mananatiling ‘confidential’ ang kanilang mga personal na detalye sa pagpapa-rehistro nila ng biniling SIM card.
Isinagawa ang survey noong Setyembre 29 hanggang Oktubre 2.
Ang batas, Republic Act 11934, ang unang panukala na naisabatas sa administrasyong-Marcos Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.