Mula sa pinakamataas na 89 sa simula ng administrasyong-Duterte noong 2016, lima na lamang ang aktibong guerilla fronts ng New People’s Army (NPA).
Ito ang ibinhagi ni AFP Chief of Staff Bartolome Bacarro sa executive meeting ng National Task to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Aniya ang aktibong guerilla fronts at sa Northern Samar at South Cotabato.
Dagdag pa ni Bacarro, nanghina na ang puwersa ng 19 guerrilla fronts ng NPA dahil sa patuloy na pagtugis sa kanila ng puwersa ng pamahalaan.
Sa ngayon, 2,112 na lamang ang armadong rebeldeng-komunista at inaasahan niya na patuloy pa na hihina ang NPA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.