SSS may alok na calamity loan sa mga biktima ng Bagyong Paeng

By Chona Yu November 03, 2022 - 03:37 PM

 

Magbibigay ng Calamity Assistance Package ang Social Security System sa mga miyembro at mga pensioner nito na nasalanta ng Bagyong Paeng sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.

Kabilang sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Regions 4-A, 5, 6 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Maaring makapag-avail ang mga apektadong miyembro at pensioners ng calamity loan at tatlong buwan na advance na pension.

Pinapayuhan ang mga miyembro at mga pensioners na makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS para makakuha ng ayuda.

 

TAGS: Bagyo, calamity, Loan, news, Paeng, Radyo Inquirer, sss, Bagyo, calamity, Loan, news, Paeng, Radyo Inquirer, sss

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.