Repair at restoration sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Paeng pinamamadali ng NTC sa mga telco
By Chona Yu October 31, 2022 - 02:03 PM
Pinatitiyak ng National Telecommunications Commission (NTC) ang agarang repair at restoration ng telecommunication services sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Paeng.
Sa inilabas na memorandum, inatasan ni NTC Deputy Commissioner Ella Blanca Lopez ang lahat ng public telecommunication entities na bilisan ang isinasagawang repair at restoration.
Ito ay upang agad na maibalik ang serbisyo ng mga telco sa mga nasalanta ng bagyo.
Inatasan ang mga telco na tiyakin na mayroong sapat na bilang ng technical at support personnel para sa mabilis na pagbabalik ng serbisyo.
Gayundin ang standby generators na may extra fuel, tolls at iba pang spare na kagamitan.
Muli ding ipinaalala ng NTC ang paglalagay ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations lalo na sa mga lugar na wala pang serbisyo ng network at kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.