98 patay sa Bagyong Paeng

By Chona Yu October 31, 2022 - 08:27 AM

Umabot na sa 98 ang bilang ng nasawi dahil sa Bagyong Paeng.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council,  58 ang kumpirmadong nasawi habang  sumasailalim pa sa validation ang iba pang 40 katao na nasawi.

Nasa 69 naman ang bilang ng nasugatan.

Ayon sa NDRRMC, 63 ang naiulat na nawawala kung saan 25 ang kumpirmado habang 38 ang sumasailalim sa validation.

Nasa 4,188 naman na bahay ang nasira ng bagyo kung saan 3,499 ang partially damaged at 699 ang totally damaged.

Tinatayang nasa P12 milyong halaga ng mga bahay ang nasira.

Nasa 37 na imrpastraktura naman ang nasira o katumbas ng P757 milyon.

Nasa P435 milyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa bagyo.

Nasa 575,728 na pamilya o 1.8 milyon katao ang naapektuhan ng bagyo.

Sa naturang bilang, 912,177 katao ang nanatili sa 21,109 na evacuation center sa ibat ibang bahagi ng bansa.

 

TAGS: Bagyo, casualty, NDRRMC, Paeng, patay, Bagyo, casualty, NDRRMC, Paeng, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.