Karapatan para sa sapat na pagkain ng bawat Filipino isinusulong ng MAGSASAKA solon

By Jan Escosio October 27, 2022 - 07:12 PM

Sinabi ni MAGSASAKA Partylist Representative Robert Nazal na matindi ang pangangailangan para magkaroon ng malinaw na batas para mapanindigan ang karapatan ng bawat Filipino para sa sapat na pagkain.

“Ang sapat na pagkain ay karapatan ng bawat Filipino,” ayon sa agricultural entrepreneur.

Aniya ang pagharap sa ‘food insecurity’ na bunga nang patuloy na pagtaas ng halaga ng mga pagkain ay kailangan maging prayoridad sa 19th Congress at ni Pangulong Marcos Jr.

Dagdag pa nito dapat ay may malinaw na batas na titiyak na may sapat na pagkain ang bawat Filipino bukod pa sa murang halaga.

“Now more than ever, food security is in the public’s eye with the recent surge in prices after a couple of years of pandemic.  Indeed, rising prices and a still recovering economy serve as headwinds for our country’s fight for the right to adequate food,” aniya.

Sinabi pa nito na maghahain siya ng panukala para sa seguridad sa pagkain at mabawasan ang kaso ng pagkagutom ng mga pamilyang Filipino bukod sa malnutrisyon.

Binanggit nito na 11.6 porsiyento ng mga pamilya sa bansa na may katumabas na 2.9 milyong indibiduwal ang nagugutom base sa huling resulta ng Social Weather Stations survey.

 

TAGS: 19th Congress, food security, hunger, 19th Congress, food security, hunger

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.