Anim na milyong bahay, itatayo sa ilalim ng administrasyong Marcos

By Chona Yu October 27, 2022 - 03:46 PM

Doble kayod ngayon ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para maabot ang anim na milyong pabahay sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa taong 2028.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ito ay para mabigyan ng abot kayang pabahay ang mga low-income earners sa bansa.

Target aniya ng DHSUD na magtayo ng isang milyong bahay kada taon.

Bukod sa abot-kaya, nais din ng DHSUD na mabigyan ng matibay at ligtas na bahay ang bawat pamilyang Filipino.

Nagsasagawa ngayon ang DHSUD ng isang buwang selebrasyon  para itaguyod ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino: Zero ISF 2028 Program, na isang flagship housing program ni Pangulong Marcos.

Nagsagawa rin ng unveiling ceremony ng institutional marker si  Acuzar kasama sina Bacolod City Mayor Alfredo Abelardo Benitez, DHSUD Executive Committee members,  heads ng Department’s key shelter agencies (KSAs) at iba pang opisyal.

Matatandaang si Mayor Benitez ang naging sponsor ng batas na Republic Act 11201 noong siya pa ay miyembro ng Kongreso kasama si Senador JV Ejercito.

“Tulad po ng lagi nating sinasabi, kung tayo’y sama-sama, magagawa nating makapagpatayo ng isang milyong bahay kada taon para sa mga maralita nating kababayan. Together, we will close the country’s housing backlog,” pahayag ni Acuzar.

“Wala pong bibitaw hanggang magkaroon ng disenteng pabahay ang lahat ng pamilyang Filipino,” pahayag ni Acuzar.

 

TAGS: DHSUD, news, Pabahay, Radyo Inquirer, DHSUD, news, Pabahay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.