No Mask, No Entry sa Manila North at South Cemetery
Ipapatupad ang ‘no mask, no entry’ policy sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.
Utos ito ni Manila Mayor Honey Lacuna matapos ang kanyang pagbisita sa Manila North Cemetery sa kabila na rin ng utos ng Malakanyang na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng mas sa mga ‘public and open spaces.
Katuwiran ni Lacuna nagpapatuloy ang banta ng hawaan ng COVID 19 kayat aniya makakabuti na patuloy dapat ang pagsusuot ng mask.
Maglalagay naman ang police at help desks sa dalawang nabanggit na libingan para mapanatili ang maayos at payapang paggunita ng Undas ngayon taon.
Hiwalay ang daan papasok ng sementeryo para sa mga babae at lalaki, gayundin may itatalagang special lane para sa senior citizens.
Magpapakalat ng ng mga basurahan at portalets sa dalawang libingan.
Paalala lang din ni Lacuna, bawal ang pagtitinda sa loob ng dalawang sementeryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.