Scholarship program sa STEM courses, iniaalok ni Pangulong Marcos
Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mag-alok ang pamahalaan ng ibat-ibang scholarship program na may kaugnayan sa science, technology, engineering, at mathematics courses (STEM).
Ayon sa Pangulo, ito ay para matugunan ang kakulangan ng talento ng mga estudyante sa information and communication technology businesses.
Sa Cabinet meeting kanina, sinabi ng Pangulo na kailangan na palakasin ang scholarship program para mahikayat ang mga estudyante na kumuha ng STEM courses.
Inasatasan din ng Pangulo si Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy na makipag-ugnayan sa ibat ibang industry players para mabatid kung anong mga partikular na pangangailangan sa trabaho.
Sa ganitong paraan aniya, matutugunan ang jobs mismatch.
Sinabi naman ni Uy na marami sa mga IT graduates ngayon ang walang sapat na tools at training na kinakailangan sa ICT industry.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.