Oil price rollback ipapatupad bukas

By Jan Escosio October 24, 2022 - 05:12 PM

Matapos ang magkakasunod na pagtaas, magpapatupad naman ng ‘price rollback’ ang mga kompaniya ng langis bukas.

Mababawasan ng P0.35 ang halaga ng kada litro ng gasolina ng Petro Gazz, Seaoil, Caltex, PTT Phils., Cleanfuel at Jetti Petroleum, samantalang P1.10 naman ang matatapyas sa kanilang diesel o krudo.

Samantalang, P0.45 naman sa kada litro ng kerosene ng Caltex at Seaoil.

Dalawang magkasunod na linggo na nagtaas nag halaga ng mga produktong-petrolyo bunga nang pagbabawas sa produksyon ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) noong Oktubre 5.

Sa nakalipas na isang taon, tumaas ang gasolina ng P16.45 kada litro, P38.50 naman sa diesel at P29.65 sa kerosene base sa monitoring ng Department of Energy (DOE).

TAGS: diesel, DOE, gasoline, kerosene, oil, rollback, diesel, DOE, gasoline, kerosene, oil, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.