49% porsiyento ng pamilyang Filipino sinabi na sila ay mahirap – survey
Sa loob ng unang 100 araw ng administrasyong-Marcos Jr., 49 porsiyento ng pamilyang Filipino ang nagsabi na sila ay mahirap.
Base sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey, na isinagawa noong Setyembre 29 hanggang Oktubre 2.
Tinataya na nangagahulugan ito na 12.6 milyong pamilya sa bansa ang mahirap o may pagtaas mula sa 12.2 milyong pamilya sa pagsisimula ng termino ni Pangulong Marcos Jr.
May 29 porsiyento ang bumagsak sa ‘borderline poor’ at 21 porsiyento ang nagsabi na sila ay talagang mahirap.
Dumami ang nagsabi na sila ay mahirap sa Metro Manila, Visayas at Mindanao maliban sa Balance Luzon.
May 72 porsiyento naman sa mga pamilya ang nagsabi na sila ay nakakaranas ng gutom at kinakapos sa pagkain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.