DOH secretary itatalaga sa pagbawi ng state of emergency

By Chona Yu October 20, 2022 - 09:18 PM

Aayusin muna ni Pangulong Marcos Jr. ang pagtugon sa pandemya sa COVID-19 bago magtalaga ng kalihim ng Department of Health (DOH).

Ayon sa Pangulo, kailangan munang makawala ang bansa sa state of calamity dulot ng COVID- 19.

Paliwanag pa nito hindi pa niya matanggal ang state of calamity sa ngayon dahil nariyan pa ang pandemya, kailangan pang maipagpatuloy ang pagbabakuna na nasa ilalim ng emergency use authorization.

Aniya kapag tinangggal niya ang state of calamity maraming mawawala  sa bansa at isa na ang posibleng hindi na makukuha ng healthworkers ang mga benepisyo na nasa ilalim ng batas.

Hindi na rin aniya madaling makapag iimport ang bansa ng bakuna  dahil magiging mabagal na ang sistema ng procurement.

Maging ang indemnification fund aniya na nilagay sa ilalim ng batas para pambayad kapag nagkaroon ng problema sa pagtuturok ng bakuna ay mawawala.

TAGS: doh, health workers, secretary, State of Emergency, doh, health workers, secretary, State of Emergency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.