Nasalanta ng bagyong Neneng uulanin naman ng bagyong Obet
Pinaghahanda ng PAGASA ang mga lugar na lubos na naapektuhan ng nagdaang bagyong Neneng dahil maaring ang mga ito ang makaranas ng malakas na pag-ulan dulot naman ng bagyong Obet.
Sinabi ni PAGASA Deputy Administrator Esperanza Cayanan na ang mga lugar na naapektuhan ng bagyong Neneng ay malaki ang posibilidad na maapektuhan din ng bagong bagyo.
Ang mga lugar na labis na naapektuhan ng bagyong Neneng ay ang Batanes, Babuyan Islands, Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.
Sa 5pm weather bulletin, mula Biyernes ng umaga hanggang Sabado ng umaga, maaring malakas na pagbuhos ng ulan ang maranasan sa Babuyan Islands, Ilocos Norte, Apayao at hilagang bahagi ng Cagayan.
Samantala, katamtaman hanggang s amalakas na buhos na ulan din ang maranasan ng Batanes, hilagang bahagi ng Ilocos Sur, Abra, Kalinga at iba pang bahagi ng Cagayan.
Huling namataan ang sentro ng bagyong Obet sa distansiyang 920 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon.
Napanatili nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 55 kilometro kada oras at kumikilos ito sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.