Pabahay sa Cavite, ininspeksyon ni NHA General manager Tai
Personal na ininspeksyon ni National Housing Authority (NHA) General Manager (GM) Joeben Tai ang mga pabahay sa Cavite.
Kabilang sa mga binisita ni Tai ang NHA resettlement projects sa Parkstone Estates, Hyacinth Residences, Kristofee Heights 1, at Naic View Residences, sa Brgy. Calucob, Naic, Cavite; at Ciudad Kaunlaran sa Brgy. Molino II, Bacoor City, Cavite.
Ayon kay Tai, ang mga identified informal settler families (ISFs) na naapektuhan ng infrastructure project ng pamahalaan ang makikinabang sa mga pabahay.
Kasama rin aniya sa mga na-relocate ang mga naninirahan sa mga danger zone at sa mga pamilyang naapektuhan ng Supreme Court Mandamus dahil sa rehabilitasyon sa Manila Bay.
“My goal at NHA is to build 1.3million houses before the end of the Marcos administration, and conducting ocular visits of NHA projects helps us to assess the current site situation and identify lands for future housing development projects,” pahayag ni Tai.
Kabilang sa mga nainspeksyon na ni Tai ang mga pabahay sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.