Anti-smuggling drive ng DA tinawag na ‘moro-moro’ ni Sen. Raffy Tulfo
Hindi kumbinsido si Senator Raffy Tulfo na sapat ang ginagawa ng Department of Agriculture (DA) para labanan ang pagpupusit sa bansa ng mga produktong-agrikultural.
“Sa ngayon sir, sorry ha, ang tingin ko moro moro lang po yung mga pinagsasabi nyo diyan when it comes to smuggling that you are doing something. Well, maybe you are doing something but you are not doing enough,” direktang pahayag ni Tulfo Bureau of Plants Industry Dir. Gerald Panganiban.
Bago ito, binanggit ng senador ang mga pangalan nina Michael Yang, Andrew Chang, Leah Cruz at Manuel Tan, na mga diumanoy smuggler ng mga gulay.
Tiniyak naman ni Panganiban na patuloy ang mga ginagawa nilang hakbang para masolusyonan ang problema ng smuggling kasama ang pakikipagtulungan sa Bureau of Customs.
Ngunit diin ni Tulfo kung ginagawa ng DA ang kanilang mandato, marami ng smugglers ang dapat na nahuli.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.