One-stop-shop para sa mga kargamento ng mga diplomat at foreign dignitaries ikinasa ng BOC
Bumuo ang Buureau of Customs ng one-stop-shop para sa cargoes ng mga diplomats at foreign dignitaries.
Ayon kay Commissioner Yogi Filemon Ruiz, binuo ang one-stop-shop sa pamamagitan ng Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG).
Layunin ng one-stop-shop na paigtingin ang collection districts ng BOC sa buong bansa.
Pabibilisin din nito ang pagproseso sa pagri-release ng mga kargamento nan aka-consign sa mga diplomats at foreign dignitaries.
Ito ay pamumunuan ng AOCG at bubuuin ng Chief ng Informal Entry Divisions ng collection districts.
Sinabi pa ni Ruiz na nabuo ang one-stop-shop matapos ang pagpupulong ng BOC, Department of Foreign Affairs, at embahada ng Amerika.
Sinabi pa ni Ruiz na ang naturang programa ay bahagi ng utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na paigtingin ang trade facilitation sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.