Las Piñas kinilala ng DOH sa mga mahusay na programang pangkalusugan
Tumanggap ng natatanging pagkilala ang pamahalaang-lungsod ng Las Piñas mula sa Department of Health (DOH) dahil sa pagbibigay ng de-kalidad na mga programang pangkalusugan.
Kinilala ng DOH – Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) ang Las Piñas LGU dahil sa napakuhasay at maayos na paggamit ng pondo ng kagawaran.
Bukod sa paggamit ng pondo, mabilis at maayos din ang liquidation.
Binigyan din ng Plaque of Appreciation ang lokal na pamahalaan dahil sa pagsuporta sa ibat-ibang healthcare programs para sa pagbibigay ng pantay, mura at de-kalidad na mga serbisyong medikal alinsunod sa Universal Health Care.
Tumanggap ang Las Piñas LGU ng P150,000 mula sa DOH-MMCHD na gagamitin bilang karagdagang pondo para sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga Las Piñeros.
Ayon kay Vice Mayor April Aguilar matapos tanggapin ang dalawang parangal, magsisilbing inspirasyon ang pagkilala para mas mapagbuti pa nila ng husto ang kanilang paglilingkod sa kanilang mamamayan alinsunod sa bilin ni Mayor Imelda Aguilar na “Tuloy ang Tapat at Progresibong Serbisyo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.