Nagpatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.
Epektibo alas 12:01 ng madaling araw kanina, nagpatupad ng P1.50 kada litro na rollback sa diesel, P1.60 kada litro sa kerosene at 55 centavos na rollback sa kada litro ng gasolina ang mga kumpanyang Shell, Petron, Chevron at Sea Oil.
Alas 6:00 naman kaninang umaga may parehong halaga ng rollback sa kanilang mga produkto ang PTT, Total at Phoenix.
Ang Eastern Petroleum ay nasa 60 centavos naman ang rollback sa gasolina.
Habang ang kumpanyang Flying V ay nakapag-rollback na sa kanilang produkto noong July 12.
Ito na ang ika-apat na sunod na linggo na nagpatupad ng rollback ang mga kumpanya ng langis, dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa world market./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.