Sen. Jinggoy Estrada humirit ng BIR probe sa DepEd ‘favored suppliers’
Hiniling ni Senator Jinggoy Estrada sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na imbestigahan ang mga sinasabing ‘favored suppliers’ ng Department of Education (DepEd).
Kasunod ito nang naunang huling niya sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng ‘special audit.’
Sumulat si Estrada kay BIR Comm. Lilia Catris Guillermo para pormal na hilingin ang pagsasagawa ng ‘parallel investigation’ sa mga sinasabing napapaboran na suppliers ng kagawaran.
Ayon sa senador nais lang niyang makatiyak na nagbabayad din ng tamang buwis ang mga sinasabing suppliers.
Sa kanyang sulat, hiniling ni Estrada sa BIR na ang gagawing imbestigasyon na huwag limitahan ang pag-iimbestiga sa mga kompaniya na regular na nagsu-supply ng laptops at information technology requirements sa DepEd.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.