Housing projects ng NHA sa Negros Occidental binisita

By Chona Yu October 13, 2022 - 02:06 PM

 

 

Binisita ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang ginagawang pabahay sa Silay at Bacolod City sa Negros Occidental.

Ayon kay Tai, bahagi ito ng Building Better and More (BBM) Housing project para sa mga Filipino.

“I intend to inspect NHA projects across regions. Nakapunta na po tayo sa Regions I, III, IX, and this time Region VI. Ini-isa isa po namin ang mga projects to monitor and see kung kumusta ang projects natin para alam natin kung ano dapat ang i-improve at mga project na puwede nating gawin for next year, ” pahayag ni Tai.

Kabilang sa mga housing project na binisita ni Tai ang Ledesma Residences Site 1 at 2, Bonbon Village Phase 2 & 3, sa Silay City, Masskara Village sa Bacolod City, at Vista Alegre Homes sa Talisay City.

Nabatid na ang Ledesma Residences 1 at 2 ay NHA projects sa ilalim ng Calamity Housing Program na inilaan para sa 1,992 pamilya na survivor sa Bagyong Yolanda.

Ito ay single-story row house na mayroong 26 sqm floor area.

Ang Bonbon Village Phase 3 ay isang land development project ng NHA na nasa ilalim ng Resettlement Assistance Program for the Local Government Units (RAP-LGU), wherein the Authority has provided a P24 Million funding assistance to LGU. The housing units were constructed by Habitat for Humanity.

TAGS: NHA, Pabahay, project, NHA, Pabahay, project

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.