Fake news sa Pilipinas, tutukan ng Malakanyang

By Chona Yu October 12, 2022 - 11:41 AM

Tutukan ng Office of the Press Secretary ang problema ng fake news sa bansa.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang matapos lumabas sa Pulse Asia survey na 9 sa bawat 10 Filipino ang nagsabing problema ang fake news.

Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, isang seryosong bagay ang fake news na nangangailangan ng tugunan ng pamahalaan.

Ito aniya ang dahilan kung kaya may ginagawa nang programa ang gobyerno para malabanan ang fake news.

“Ito po ay isang seryosong bagay na tututukan ng OPS kaya ngayon meron kaming mga programa na ili-laydown in the coming days, we will let you know kasi gusto rin talaga natin na ma-address itong mga problema ng fake news,” pahayag ni Garafil.

Base sa survey ng Pulse Asia noong Setyembre 17 hanggang 21, 58 percent sa mga Filipino ang nagsabi na na ang mga bloggers at vloggers na mga social media influencers ang resonsable sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon sa tungkol sa gobyerno at sa pulitika.

TAGS: Cheloy Garafil, fake news, news, Radyo Inquirer, Cheloy Garafil, fake news, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.