17 pamilya na nasunugan sa QC, inayudahan ng NHA

By Chona Yu October 12, 2022 - 09:03 AM

Binigyan ng ayuda ng National Housing Authority ang 17 pamilyang nasunugan sa Quezon City.

Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, nasa P395,000 na pondo mula sa Emergency Housing Assistance Program ang ibinigay na ayuda sa mga pamilya mula sa Barangays Bagong Silang, Bahay Toro, Batasan Hills, Commonwealth, at San Antonio.

Sa naturang pondo, walong pamilya ang nakatanggap ng cash aid na P30,000, limang pamilya ang nakatanggap ng tig  P20,000, tatlong pamilya ang nakatanggap ng tig P15,000 each at isang pamilya ang nakatanggap ng P10,000.

Ayon kay Tai, ginawa ang pamimigay ng ayuda base na rin sa rekomendasyon ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Isa sa mga nakatanggap ng ayuda ay si Herminia Berdejo Nemeño na malaki ang pasasalamat sa NHA.

“Sa ngalan ng iba pang biktima ng sunog at mula sa akin, maraming maraming salamat po kay GM Tai. Napakalaking tulong ng NHA at ng involvement ng national government. Mabuti at nandyan ang NHA at marami kayong natutulungan.” pahayag ni Nemeño.

Kasabay nito, namahagi rin ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamamagitan ng NHA’s Community Support Services Department ng P234,000 cash assistance sa 13 informal settler families sa Barangays Bagumbayan, Doña Imelda, at Nagkaisang Nayon na ini-relocate sa NHA’s housing projects sa Bulacan at Rizal.  Nakatanggap ang bawat pamilya ng P18,000 financial aid.

Nabatid na simula nang maupo sa puwesto si Tai noong Agosto, nasa P275.545 milyong EHAP funds na ang naipamahagi kung saan 42,148 pamilya ang nakinabang.

 

 

 

 

TAGS: news, NHA, Radyo Inquirer, news, NHA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.