Protocols sa PNP Custodial Center pag-aaralan dahil sa Sunday hostage-taking

By Jan Escosio October 10, 2022 - 05:45 AM

Inanunsiyo ni Interior Secretary Benhur Abalos na pag-aaralan ang umiiral na protocols kaugnay sa mga detenido sa PNP Custodial Center sa Camp Crame matapos ang madugong hostage-taking kahapon.

Dalawang detenido ang napatay sa pagtakas, samantalang napatay naman ang ikatlong detenido sa pangho-hostage niya kay dating Sen. Leila de Lima.

Dagdag pa ni Abalos aalamin na rin kung may kailangan na ayusin sa loob ng nabanggit na kulungan.

“Whatever protocols na kailangang baguhin – ‘yung pagpapakain na iisang taong lang siguro iche-check lahat ito,” ayon sa kalihim,

Sa mga ulat, tatakas sina Feliciano Sulayao Jr., Arnel Cabintoy at Idang Susukan matapos saksakin si Police Cpl. Roger Agustin sa oras ng almusal ng mga detenido ala-6:30 ng umaga.

Napatay sina Cabintoy at Susukan ng rumespondeng pulis, samantalang hinostage naman ni Sulayao si de Lima sa selda nito.

TAGS: Crame, de lima, hostage, Crame, de lima, hostage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.