Vargas: LGUs, maging mas inclusive para sa PWDs

By Chona Yu October 08, 2022 - 03:05 PM
Nagpahayag ng pagkabahala si dating congressman at ngayo’y Quezon City Councilor Alfred Vargas sa umano’y hindi pagsunod ng mga buildings at establishments sa batas na nagtatakda ng paglalagay ng ramps, handrails, at iba pang access facilities para sa Persons with Disabilities o PWDs. Ayon kay Vargas, ang ramps, handrails, at katulad nito ay itinatakda ng batas para makatulong sa PWDs na may mobility impairments. Ngunit bukod sa hindi paglalagay ng mga pasilidad na ito, may mga buildings at establishments din na naglalagay ng ramps na hindi naaayon sa legal specifications. “Some PWD facilities are poorly constructed and practically useless. Hindi dapat pinalalampas ang ganitong paglabag sa batas,” ayon kay Vargas. Sabi ni Vargas, ito ang dahilan kung bakit nagpanukala siya na magsagawa ng regular na “accessibility audits” sa mga buildings at establishments sa Quezon City. Sa kanyang panukalang “Accessible Buildings and Structures Ordinance of Quezon City,” mas papaigtingin pa ang pagsunod sa Accessibility Law na nagrerequire ng tamang access facilities bilang bahagi ng construction at building permit approval. Bilang pangunahing may-akda ng ordinansang nagtatag ng Quezon City Persons with Disabilities Affairs Office, binigyang-diin ni Vargas ang kahalagahan ng inclusivity para sa mga may kapansanan. “Hindi natin masasabing ‘inclusive’ ang ating mga pamayanan kung may balakid sa mismong mga gusali natin. Hindi tayo ‘inclusive’ kung hindi rin inclusive para sa lahat ang ating mga pampublikong pasilidad,” dagdag ni Vargas. Si Vargas ay kilalang advocate ng karapatan at kapakanan ng PWDs. Siya ang may-akda ng Republic Act 11228 na ginagawang mandatory ang PhilHealth coverage para sa PWDs at Republic Act 11250 na naglalatag ng inclusion policy at mga serbisyo para sa learners with disabilities. Naghain din si Vargas ng bills at resolutions para sa PWDs. Kasama rito ang mga panukalang batas na nagpapalawig ng benepisyo para sa PWDs, nagtatakda ng exclusive parking spaces at nagbibigay ng mas malawak na accessibility options para sa PWDs, specialized training para sa mga guro ng mga batang may learning disabilities, lifetime validity ng PWD IDs, at pagtatayo ng National Commission on Disability Affairs. “Kailangan nating pangalagaan ang karapatan ng mga kapwa nating may kapansanan sapagkat bahagi sila ng ating pag-unlad. Kailangan nating tanggalin ang mga balakid at harang sa ikabubuti ng buhay nila. Accessibility and inclusivity for all ang hangad natin,” ayon kay Vargas.

TAGS: alfred vargas, news, pwd, Radyo Inquirer, alfred vargas, news, pwd, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.