Lalo ang palalakasin ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pamumuhunan sa lungsod.
Ito ay para maging investment hub ang lungsod.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, tiyak na mabibigyaan ng benepisyo ang mga taga-lungsod kung malakas ang ekonomiya.
“Ang Quezon City ay pilot city ng lahat ng mga programa para sa mamamayan kaya naman ngayon dito sa investors summit ay hihikayatin natin ang mga investors na maglagak ng kanilang mga investment upang lalung mapaganda ang mga serbisyo sa mga taga QC,” pahayag ni Belmonte.
Dahil aniya sa mahusay na pamamahala ng lungsod, nadagdagan pa ang pondo.
“ Sa ngayon ang gagawin natin para makahikayat ng mas madaming investment sa Quezon City ay una nating gagawin ang pakikipag konsultasyon sa mga investors, aalamin natin kung anu ang kailangan nila, anu ang maitutulong natin sa kanila at papakinggan natin sila upang maging tunay natin silang partner sa pamumuhunan sa QC,” pahayag ni Belmonte.
Pangako ni Belmonte na palalakasin pa ang investment ang climate justice, green technology at financing.
Nais din ni Belmonte na ma triple pa ang bilang ng mga trabahante ng lungsod.
Nasa 10,000 na manggagawa kasi aniya ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.