Pondo ng NTF-ELCAC inihalintulad sa ‘pork barrel ni Sen. Sonny Angara

By Jan Escosio October 07, 2022 - 09:17 AM

Photo credit: Sen. Sonny Angara/Facebook

Hindi naging malinaw ang paliwanag kaugnay sa pinagkagastusan ng bilyong-bilyong pisong naibigay sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Kayat, hiningi ng mga senador ang malinaw at detalyadong ulat kung paano ginastos ang anti-insurgency fund.

Sa pagdinig ng 2023 budget ng Department of Budget and Management (DBM), na siyang nagpapalabas ng pondo ng NTF-ELCAC, nadismaya na si Sen. Nancy Binay sa kanilang nadiskubre.

Sinabi ni Budget Usec. Tina Canda ang tanging impormasyon ay ang mga barangay na nabiyayaan mula sa pondo ng task force.

Inihalintulad naman ito ni Sen. Sonny Angara, ang namumuno sa Senate Committee on Finance, sa pork barrel na idineklara nang ilegal ng Korte Suprema

“Yun ang mahirap kasi, isn’t that a form of pork barrel that’s frowned upon? t’s a pork barrel based on the definition of the Supreme Court because you know when you pass the GAA there must be an identification of projects as much as possible,” pagdidiin ni Angara.

TAGS: Nancy Binay, news, NTF-ELCAC, Radyo Inquirer, sonny angara, Nancy Binay, news, NTF-ELCAC, Radyo Inquirer, sonny angara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.