PAGASA: Tapos na ang habagat, kasunod ang amihan
Inanunsiyo ng PAGASA na tapos na ang panahon ng habagat sa bansa.
Ayon sa PAGASA, sa nakalipas na mga araw ay naobserbahan ang paghina ng habagat o southwest monsoon.
Sinabi na ang paglakas ng high-pressure area sa Asian continent ay nagdudulot na unti-unting pagbabago sa panahon.
Sa ngayon ay nasa ‘transition period’ na sa pagpasok naman ng amihan o northeast monsoon.
“The season in the Philippines is in the process of transition and will be expecting the gradual start of the northeast monsoon season in the coming days with a shift in the direction of the winds,” ayon pa sa PAGASA.
Samantala, tumaas ang posibilidad na maging ‘above normal’ ang magiging pag-ulan dahil sa epekto ng La Niña at ito ay maaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.