De Lima inihirit na payagan si ex-BuCor OIC Ragos na tumestigo

By Jan Escosio October 05, 2022 - 09:06 AM

Nais ni dating Senator Leila de Lima na payagan ng korte si dating Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge na humarap bilang testigo sa kinahaharap niyang drug case.

Sa ibinigay na komento ni de Lima, sinabi nito na dapat ay dinggin ng korte ang lahat ng mga impormasyon sa ngalan ng hustisya.

Unang idiniin ni Ragos si de Lima sa kanyang testimoniya nang sabihin nito na nagdala siya ng P10 milyon para sa noon ay kalihim ng Department of Justice at ang pera ay galing sa illegal drug trading sa loob ng pambansang piitan.

Ngunit nitong nakalipas na Abril, binawi ni Ragos ang kanyang mga testimoniya at sinabi na pinagbantaan lamang siya para ilaglag ang dating senadora.

Iginiit ni de Lima na kung sinasabi na sapilitan ang pagbaligtad ni Ragos dapat ay mapatunayan ito sa pamamagitan nang pagsalang sa kanya bilang testigo.

Aniya tanging ang korte lamang ang makakapagsabi kung nagsisinungaling ang testigo kayat dapat aniya ay payagan na maisalang sa pagdinig si Ragos.

 

TAGS: Bilibid, de lima, DOJ, drug case, Bilibid, de lima, DOJ, drug case

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.