70 Congressmen, magpapaalam na bilang miyembro ng Kamara
Pitumpung kongresista ang ga-graduate na bilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Kabilang dito si House Majority Leader Neptali Gonzales II, at ilan pang Kongresista na naka-puno na ng term of office o three consecutive terms.
Sa pag-adjourn sine die ng Kamara mamayang hapon, na nangangahulugang magsasara na ang 16th Congress, kikilalanin ang mga naging papel ng graduating Congressmen.
Bibigyang parangal din ng kapulungan si outgoing House Speaker Feliciano Belmonte Jr.
Si House Minority Leader Ronaldo Zamora naman ang magpe-preside sa sesyon, kapag aaprubahan ang mga resolusyon para kay Belmonte.
Samantala, dahil ngayong Lunes ang huling araw ng sesyon para sa 16th Congress, inaabangan din kung may magtatangka na i-override ang veto ni outgoing President Noynoy Aquino sa SSS pension hike bill.
Sinabi ni Gonzales na depende sa grupo ni BayanMuna PL Rep. Neri Colmenares kung itutuloy ang pagmosyon para sa pagbasura sa Aquino veto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.