‘Disaster Leave’ isinusulong ni Sen. Francis Tolentino

By Jan Escosio October 04, 2022 - 11:32 AM

Naghain ng panukala si Senator Francis Tolentino para magkaroon ng special emergency leave ang mga kawani sa tuwing maaapektuhan sila ng kalamidad.

Paliwanag ng senador sa inihain niyang Senate Bill No. 652 o ang Special Emergency Leave Law, bibigyan ng limang araw na special emergency ang mga empleado na direktang naapektuhan ng kalamidad.

Ayon sa senador ang leave ay maaring magamit sa loob ng 30 araw sa pagtama ng kalamidad.

Maari aniyang gamitin na dahilan ang paglilinis, pagsasa-ayos ng bahay, na-stranded, pagkakasakit, at pag-aalaga o pagkalinga sa mahal sa buhay.

Sasakupin ng special leave ang mga nagta-trabaho sa pampubliko at pribadong sektor sa katuwiran ni Tolentino na walang pinipili ang kalamidad.

 

TAGS: disaster, leave, private, public, disaster, leave, private, public

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.