Maraming lugar sa Metro Manila nasa COVID 19 ‘moderate risk’ – DOH
Ibinahagi ng Department of Health (DOH) na 13 sa 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang nasa ilalim na ng ‘moderate risk classification’ dahil sa pagdami ng COVID 19 cases.
Ngunit paglilinaw agad ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire wala pa naman dapat ikaalarma sa pagdami ng mga COVID 19 cases.
Pagbabahagi nito ang mga LGUs ay mga lungsod ng Quezon, Marikina, Pasig, Taguig, Makati, Manila, Mandaluyong, San Juan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at ang bayan ng Pateros.
Base sa datos hanggang noong Miyerkules, Setyembre 28, nakapagtala na ng 1,266,795 kaso sa National Capital Region (NCR) at 11,251 ang aktibong kaso.
Napuna din ng kagawaran ang pagtaas ng bilang ng mga pasyente nan aka-confine sa mga ospital sa mga lungsod ng Pasig, Muntinlupa, Malabon, Makati, Navotas at Caloocan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.