Presyo ng bigas sa Tandang Sora public market tumaas ng P1 kada kilo
Tumaas ng piso ang kada kilo ng presyo ng commercial rice sa Tandang Sora public market sa Quezon City.
Sa monitoring ng Radyo Inquirer, ang presyo ng Sinandomeng rice ay naglalaro sa P39 hanggang P42 ang kada kilo depende sa klase, ang Maharlika ay P50 ang kada kilo, ang Happy Grain Super Angelica naman ay P45 ang kada kilo, ang Dinorado ay P55 kada kilo, ang Ifugao Organic ay P56 ang kada kilo at ang Jasmin rice ay P58 kada kilo.
Ayon kay Mang Loy, stall owner sa palengke ng Tandang Sora tumataas linggu-linggo ng Piso ang presyo ng bigas.
Aniya, mahigit dalawang linggo na rin kasing walang suplay ng NFA rice.
Samantala, narito ang iba pang presyo ng mga pangunahing bilihin sa Tandang Sora public market:
Manok P150 – 160/kl (choice cut)
Baboy 180/kl
Bisugo 240/kl
Tilapia 100/kl
Pusit 220/kl
Hipon 600/kl ang pinakamahal
Espada 240/kl
Galunggong 140/kl
Hasahasa 180/kl
Talong 40/kl
Ampalaya 80/kl
Repolyo 60/kl
Sayote 40/kl
Sibuyas 100 – 120/kl
Bawang 180/kl
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.