Bahagi ng QC, Caloocan, Valenzuela, at Bulacan, dose oras mawawalan ng suplay ng tubig bukas
May dose oras na scheduled water interruption sa bahagi ng mga lungsod ng Quezon, Caloocan, Valenzuela at sa lalawigan ng Bulacan bukas, June 7, araw ng Martes.
Batay sa abiso ng Maynilad, may gagawin silang pagsasaayos sa kanilang treatment facility sa Quezon City upang matiyak ang mas mahusay na serbisyo sa West Zone.
Ang nasabing maintenance work ay magdudulot ng pagkahina hanggang sa tuluyang pagkawala ng tubig sa maraming barangay sa m,nabanggit na mga lugar mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi bukas (June 7).
Kabilang sa mga Barangay na maaapektuhan ng water interruption ay ang mga sumusunod:
LOW WATER PRESSURE TO NO WATER SUPPLY
Caloocan City
• Brgys. 166 to 167
• Brgy. 171
• Brgy. 176
• Brgys. 178 to 180
• Brgys. 182 to 188
Quezon City
• Capri
• Gulod
• Kaligayahan
• Nagkaisang Nayon
• North Fairview
• Novaliches Proper
• Pasong Putik
• San Agustin
• Sta. Monica
LOW WATER PRESSURE
Valenzuela City
• Arkong Bato
• Bagbaguin
• Balangkas
• Bignay
• Bisig
• Canumay East
• Canumay West
• Coloong
• Dalandanan
• Hen. T. De Leon
• Isla
• Karuhatan
• Lawang Bato
• Lingunan
• Mabolo
• Malanday
• Malinta
• Mapulang Lupa
• Marulas
• Maysan
• Palasan
• Parada
• Pariancillo Villa
• Paso De Blas
• Pasolo
• Polo
• Punturin
• Rincon
• Tagalag
• Ugong
• Veinte Reales
• Wawang Pulo
Bulacan
• Meycauayan Water District
• Obando Water District
Payo ng Maynilad sa mga residente, mag-ipon na ng tubig ngayon pa lamang.
Ang pagrarasyon kasi ng tubig ay isesentro sa mga establisyimento na higit na mangangailangan gaya ng mga ospital at mga paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.