“LTO on Wheels” ikinasa

By Chona Yu September 29, 2022 - 01:54 PM

Lalo pang pinalakas ng Land Transportation Office (LTO) ang “LTO on Wheels” project.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz, ito ay para lalong mailapit sa publiko ang serbisyo publiko ng gobyerno.

Tinungo ngayon ng “LTO On Wheels” ang Camp Karingal sa Quezon City na nagsisilbing headquarters ng Quezon City Police District (QCPD).

Una nang inilunsad ang “LTO on Wheels” noong May 2019.

Ang “LTO on Wheels” ay One-Stop-Shop concept na kayang makapagsilbi ng 400 car registrants kadaa araw.

Saklaw ng “LTO on Wheels” ay ang motor vehicle registration renewal, issuance ng student permit, renewal ng driver’s license, plain renewal without penalty, renewal ng professional/non-professional driver’s license at conversion ng paper license to card.

Para makapag-avail ng LTO on Wheels’ services, kinakailangan lamang na gumawa ng letter request ang barangay captain o village president o government office sa LTO Regional Director.

Kinakailangan lamang na tiyakin ng requesting party na may sapat na parking space para sa LTO Bus na gagamitin sa “LTO on Wheels” at 10 Mbps internet connectivity.

 

 

 

TAGS: lto, news, Radyo Inquirer, lto, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.