Halaga ng mga nasira sa agrikultura sa Luzon dahil sa #KardingPH, halos P2-B na
Sumipa sa P1.97 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa bagyong Karding.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) hanggang 9:00, Miyerkules ng umaga (Setyembre 28), nasa 88.520 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo sa bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon, Cagayan Vallet, CALABARZON, at Bicol region.
Ayon sa DA, nasa 114,446 metric tons (MT) ang production loss at 16,229 metric tons (MT) ng produktong agrikultural ang nasira.
Kabilang sa mga pananim na nasira ang bigas, mais, at high value crops.
Patuloy naman ang assessment ng DA, sa pamamagitan ng kanilang Regional Field Offices.
Kabilang na rito ang:
1. P500 milyon para sa Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon
2. Survival and Recovery (SURE) Assistance Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC);
3. P170.34 milyong halaga ng rice seeds, P23.16 milyong halaga ng corn seeds, at P13.55 milyong halaga ng iba’t ibang vegetable seeds
4. Drugs at biologics para sa livestock at poultry
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.